Seguridad sa Russia, pinaigting bunsod ng pag-atake ng Wagner group

Hinigpitan na ang seguridad sa buong Russia kasunod ng banta ng paglusob ng pinuno ng Wagner mercenary group na si Yevgeny Prigozhin.

Ito’y matapos maghain ng kasong kriminal ang National Anti-Terrorism Committee ng Russia laban kay Prigozhin nang magbanta ito ng pag-atake at paratang ng pag-uudyok ng armadong rebelyon.

Inakusahan kasi ni Prigozhin ang militar ng Moscow sa pag-atake nito sa kanilang kampo na ikinamatay ng marami niyang tauhan.

Itinanggi naman ito ng Moscow military na handa umanong magsuko ng mga armas kung kinakailangan.

Sa huling pahayag ni Prigozhin, sinabi nito na nasa loob na siya ng hukbo sa timog ng Russia na Rostov-on-Don at kontrolado na rin ang mga militar sa lungsod kabilang ang isang aerodome.

Samantala, inanunsyo na rin inanunsyo ni Moscow City Mayor Sergey Sobyanin ang pagpapatupad ng mga hakbang kontra-terorismo sa buong siyudad.

Naka monitor na rin ngayon sa sitwasyon sa Russia ang White House.//CA