Seguridad sa gagawing Province wide Operation Baklas ng Comelec Task Force tiniyak ng PNP

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Philippine National Police ang seguridad para sa gagawing Province wide Operation Baklas ngayong araw.

Sabayan itong gagawin sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte pasado alas 7 ngayong umaga upang tanggalin ang mga campaign materials na wala sa tamang sukat at nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.

Bago pa man ang aktuwal na pagbabaklas ay nauna nang tinukoy ng Comelec kasama ang PNP sa bayan ng Basud ang mga illegal campaign materials upang mapabilis ang pagbaklas.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa hepe ng Basud MPS na si PMaj Melvin Atacador nilinaw nito na hanggang sa pagpapanatili lang ng kaayusan at pagbibigay ng seguridad ang magiging papel ng PNP habang ginagawa ang pagbabaklas.

Ito ay upang maiwasan ang “misconception” tulad ng nangyari sa ibang lugar na naunang nagpatupad ng “Operation Baklas” kung saan ilan sa mga kapulisan ay naharap sa legal na usapin.

“Kung tutuusin po ang PNP po talaga diyan ay security lamang, ngayon kung may mga nagkaroon ng hindi magandang ano, may mga nangugulo, siyempre may maapektuhang kandidato, so yun po ang role ng ano sa maintenance ng Peace and Order,” ani Atacador.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Paliwanag ng opisyal na mayroong ipinalabas na Memorandum ang Camp Crame ukol dito hinggil sa magiging papel ng PNP.

Hindi naman aniya nababahala ang PNP kung sakaling mayroong magalit sa kanila basta ang mahalaga ay magampanan lamang umano nila ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas.