CAMARINES NORTE- Pinalakas pa ng Department of Trade and Industry ang programang Livelihood Seeding program – Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB).
Katuwang ng ahensiya ang mga Barangay Development Councils (BDCs) sa patuloy na pag abot sa mga “least developed areas”.
Noong nakaraang Marso 17- 23 ay inilunsad ang LSP-NSB sa sampung barangay sa lalawigan.
Ito ay sa Angas at Taba- taba sa Basud, Bagumbayan, Gumaus, Palanas atTugos sa Paracale at Aguit-it, Manlucugan, Matango at Sabang sa Vinzons.
Sa naturang aktibidad ay nagkaroon din ng orientation patungkol sa DTI at NC services, Seminar on Starting Your Business, on-site Business Name (BN) registration at Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) facilitation.
Ayon sa ahensiya target nila na ma- cover ang 35 barangay ngayong 2022 para sa naturang programa.
Ang LSP- NSB ay isang programa ng DTI na layong mailapit sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ahensiya at LGU’s na magbibigay daan sa mas malawak na maabot ng business development assistance.
