Security plans ng PRO 12 sa SONA, nakalatag na

KORONADAL CITY- HANDA na ang Police Regional Office (PRO) 12 para sa pinakaunang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Lunes, July 25, 2022.

Inihayag ni Police Brigadier General Alexander Tagum, regional director ng PRO 12 na nakalatag na ang kanilang security plans upang masiguro na magiging mapayapa ang naturang aktibidad.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa opisyal, magdedeploy sila ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa rehiyon kung saan inaasahang magtitipon ang mga magsasagawa ng kilos-protesta.

Layon ng deployment na magbigay ng public at security services at mapigilan ang anumang panggugulo at makontrol ang trapiko.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pinasiguro naman ng opisyal na igagalang ng mga pulis ang ‘right to freedom of expression’ ng mga mamamayan basta lamang maayos at mapayapa ang pag-organisa ng mga ito.