CAMARINES NORTE – Ilulunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang second visit ng Family Income and Expenditures Survey (FIES) sa Enero ng sususnod na taon.
Sa ngayon ay patapos na ang first visit na sinimulan noong July 8 na ang reference period ay mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Ang magiging reference period naman ng second visit ng FIES na gagawin sa Enero ay mula Hulyo hanggang Disyembre kung saan parehong sample ang iinterbyuhin.
Ang FIES ay rider ng Labor Force Survey na ginagawa naman kada quarter.
Ayon kay Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao uniform ang samples ng respondents maliit man o malaking probinsiya na nasa 1, 500 kun saan represented na ang lahat ng munisipyo dahil provincial estimate ang mga datos na makukuha dito.
Kinukuha ng FIES ang mga datos tungkol sa spending at consumption pattern ng mga pamilya sa sampled barangays mula sa pinakamaliit na kinukunsumo ng isang pamilya na food and non- food gayundin ang mga serbisyo.
Ang datos na makukuha sa FIES ang pinagbabasehan ng poverty data na kailangan ng gobyerno para sa pagbalangkas ng mga polisiya.
Ginagawa ang survey sa pamamagitan ng Computer Aided Personal Interview gamit ang tablet.
