Babae, patay matapos barilin ng live-in partner sa Sto. Domingo, Albay; suspek, nagbaril-patay sa sarili

LEGAZPI CITY – Patay ang isang babae matapos barilin ng live-in partner nitong lalaki sa Brgy. San Fernando sa bayan ng Sto. Domingo Albay kahapon, Hulyo 30, 2023.

Kinilala ang biktima na si Erlene D’Souza, 36-anyos, habang ang suspek at ka-live in partner naman nito ay si Mark Gil Rangasa, 30-anyos, na parehong nakatira sa P-4, Brgy. Lidong, Sto. Domingo, Albay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Sto. Domingo, selos ang itinuturong ugat ng insidente, kung saan nag-away ang magka-live in dahil paulit-ulit umanong nahuhuli ng suspek na may ka-videocall ang biktima kahit sa kalagitnaan ng gabi.

Ayon sa pulisya, bago mangyari ang insidente, kinausap ng suspek ang ang kanyang ina kung saan kanyang sinabi na baka mapatay nito ang kanyang kinakasama dahil sa selos, isang araw bago ang insidente, kaya’t nagmumuka umanong planado ito.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang ginamit umano ng suspek sa pamamaril ay ang baril nito sa trabaho dahil ito ay security guard ng Bureau of Customs.

Matapos nito, sunod din niyang binaril ang kanyang sarili sa ulo dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.