KORONADAL CITY- IPINRESENTA ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang 10-point agenda ni TESDA Secretary Suharto “Teng” Mangudadatu.
Kabilang sa 10 point agenda nito ang TESDA sa Barangay, pag-review sa TESDA training regulations, pagbibigay ng prayoridad sa TVET upang maabot ang demand ng industriya o lokalidad, compliance at enhanced monitoring, at pagsusulong ng mas efficient at mabilis na paraan ng pagpaparehistro at pag-apply sa mga TESDA scholarship programs.
Isinusulong din nito ang promotion ng rural enterprise at area development sa pamamagitan ng TVET, Youth Entrepreneurship, TESDA Industry Exchange program, HALAL TVET, at strengtening and regeneration ng internal structure sang ahensya.
Si Secretary Mangudadatu ay pormal na ipinakilala ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr bilang bagong TESDA Director General sa kanyang pagbisita sa South Cotabato noong nakaraang linggo.
