Higit 600, sugatan sa paga-alburoto ng Mayon

Tiniyak ng NDRRMC na sapat pa ang resources ng National Government para sa mga evacuees na apektado ng banta ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay sa gitna ng pinangangambahang pagtagal pa ng paga-alburoto ng Bulkan ng ilan pang mga linggo.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Aec. Bernardo Rafaelito Allejandro – mayroon pang nasa P12Billion na pondo ang pamahalaan hanggang sa pagtatapos ng taon.

Sa huling datos ng NDRRMC, umabot na sa 20,127 ang bilang ng mga displaced person nang dahil sa pag-aalburoto ng Bulkan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Mayroon ding naitalang 628 na injuries.

Bago ito, una nang ipinatupad ng Daraga LGU ang pagkakaroon ng window hours mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga para makasilip ang mga residente sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone sa Bulkan.//LGD