Necrological service ng Senado para kay dating senador Pong Biazon, lumarga na ngayong umaga

Nagpa-abot ng kani-kanilang mensahe at pagkilala ang iba’t ibang mga incumbent at former senators na nakatrabaho ni dating senador Rodolfo ‘Pong’ Biazon.

Sa pagpapatulyo ng necrological service sa Senado – ibinahagi ng mga kongresista ang kanilang paghanga sa mga naging serbisyo ni Biazon para sa mga Pilipino.

Ayon kay dating senate president Tito Sotto – mananatili raw na isang inspirasyon si Biazon para sa lahat ng mga Pilipino.

Kilala raw si Biazon bilang isang walang takot na mambabatas, at isang ‘well-decorated’ na sundalo.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nabahagi naman ng kapwa military-turned-legislator na si dating senador Gringo Honasan kung papaanong naging ‘bangungot’ si Biazon sa t’wing may mga debate sa plenaryo.

Sinariwa ni Honasan na hangat hindi raw nasasagot ang mga tanong ni Biazon ay patuloy itong mangungulit.

Naniniwala naman si dating senate president Franklin Drilon na maliban sa pagiging senador ni Biazon, ang pagiging AFP chief niya ang isa sa mga pinaka-highlight ng kanyang karera.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Noong AFP chief pa si Biazon – kasalukuyang executive secretary noon si Drilon at masasabi niyang wala nang kuwestyon pa sa serbisyo noon ng dating mambabatas at sundalo.

Mamayang hapon naman ay iliipat ang mga labi ni Biazon sa headquarters ng Philippine Marines at Holy Child Chapel; habang ihahatid naman sa huling hantungan ang mga labi ng dating senador sa Libingan ng mga Bayani bukas, araw ng Martes.//LGD