Sec. Cacdac, sasailalim muli sa ad interim appointment deliberation sa susunod na linggo

Susubukan muling lumusot sa darating na Martes ni Department of Migrant Worker (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac sa makapangyarihang kamay ng Commission on Appointments (CA) para kanyang ad interim appointment.

Ito ay matapos ma-bypass ang unang pagtalaga sa kanya ng Pangulo sa pwesto.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ang gagawing deliberasyon ay pangungunahan ni Representative Mercedes Alvarez habang nakatanggap din ang komite ng sworn opposition mula kina Ferdinand Delos Reyes, Roberto Tan, Tirso Paglicawan Jr. at Jinalyn Narciso.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Matatandaan, ilan lang sa mga pinuna ng mga oppositors laban kay Cacdac ang di umano’y madalas nitong pa-media exposure na agad namang dinepensahan ng kalihim na paraan lang niya upang isapubliko ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).