Seafood Kadiwa Grant inilunsad ng BFAR region 3

Inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Luzon ang Seafood Kadiwa Grant.

Layon umano nitong mapalawak pa ang kabuhayan ng pangisda sa iba’t ibang komunidad sa rehiyon.

Sa pamamagitan nito ay makakapagbigay ng start-up capital sa mga aktibong fisherfolk groups tulad ng 100 kilos ng bangus na maaaring ibenta bilang fresh, chilled o processed.

Ang programang ito ay inisyatibo ni RD Wilfredo Cruz kung saan ang mga benepisyaryo ay mula sa Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BFAR Gitnang Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *