LEGAZPI CITY – Nakuha ng School’s Division Office (SDO) ng Legazpi City ang pangkalahatang kampeon ng 2023 Regional Schools Press Conference (RSPC) na ginanap sa Albay Central School.
Sa closing ceremony, idineklara ng Department of Education (DepEd) Bicol ang SDO Legazpi bilang top performing school’s division sa kompetisyon ngayong taon.
Sinundan naman ito ng Iriga City, habang pumangatlo ang Tabaco City.
Ang ikaapat na puwesto ay nakuha ng Camarines Sur, habang ang Ligao at Naga City ay agi ng pagkakatabla para sa ikalimang puwesto.
Sa school paper competition, wagi rin ang Legazpi City bilang overall champion na sinundan ng Catanduanes.
Nakuha rin ng Naga City ang 3rd place, Camarines Sur ay 4th place, at ang Masbate City ay ang nasa 5th place.
Ang awarding ceremony ay pinangunahan ni Curriculum and Learning Management (CLMD) Chief Francisco Bulalacao, kasama si Regional Focal Person for Campus Journalism Joan Lagata, at iba pang DepEd Bicol Officials.
Ipinaabot ni Lagata ang kanilang pagbati sa lahat ng mga nagwagi at nagpasalamat din sa mga school paper advisers sa walang patid na paggabay at suporta.
Binigyang-diin ni Lagata ang mahalagang kontribusyon ng mga school paper advisers sa paghubog ng mga kasanayan ng mag-aaral sa pamamahayag na nag-aambag sa kanilang paglago kapwa sa akademiko at propesyonal.
Ang RSPC ay isang kompetisyon para sa lahat ng campus journalists sa buong rehiyon.
Ngayon ay nilahukan ito ng humigit-kumulang 2,700 campus journalists sa iba’t ibang kategorya ng pamamahayag, kabilang ang newswriting, feature writing, editorial writing, at iba pa.
Ang mga nananlo para sa RSPC ay uusad sa National Schools Press Conference ngayong Hulyo sa Cagayan De Oro.