SDO Camarines Norte naglabas ng mga paalala kaugnay sa pagsasagawa ng End-of-School-Year Rites

CAMARINES NORTE – Nagpalabas ng mga paalala ang Department of Education sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pagsasagawa ng End-of-School-Year Rites ngayong School Year 2023- 2024.

Sa Division Memorandum No 111 series of 2024 ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla o ang “reiteration” ng DepEd Memorandum No 023, series of 2024 kaugnay sa pagsasagawa ng graduation at moving up ceremony, ipinaalala nito na dapat itong gawing simple ngunit makahulugan o iwasan ang labis na paggastos para dito.

Hindi rin dapat gawing  graduation o completion requirements ang non- academic projects tulad ng field trip, film showing, Junior- Senior Promenade at iba pang school events.

Ang mga gastusin  sa graduation at moving up ceremony para sa public schools ay kukunin sa Maintenance and Other Expenses (MOOE)  at mahigpit ding ipinagbabawal sa DepEd personnel ang pagkolekta ng anumang kontribusyon o bayarin para dito.

Para masiguro naman ang kaligtasan at proteksyon ng mga mag- aaral, guro at dadalo sa mga seremonya ng pagtatapos pinapayuhang gawin  ito sa indoor venues na may maayos na ventilation pata maiwasan ang exposuresa matinding sikat ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *