Lipa Archbishop Gilbert Garcera pinangunahan ang misa sa bisperas ng kapistahan ng itim na Nazareno ng Capalonga

CAMARINES NORTE – Pinangunahan ng dating Obispo ng Diocese of Daet at ngayo’y Arsobispo ng Lipa na si Most. Rev. Gilbert Garcera ang misa para sa bisperas ng kapistahan ng itim na Nazareno ng Capalonga nitong Linggo, May 12.

Nataon ang bisperas ng kapistahan ng itim na Nazareno ng Capalonga sa pagdiriwang naman ng kapistahan ng pag- akyat sa Langit ni Jesus.

Sa kaniyang homily , sinabi ni Archbishop Garcera na sa kaniyang pag- alis noon sa Daet para maglingkod sa mas malaking Diocese ay hindi ito iniwanan ng Diyos.

Bagamat wala umanong Obispo ngayon ang Daet dahil sa pag alis naman kamakailan  ni Archbishop Rex Andrew Alarcon para mamuno sa Archdiocese of Caceres, makatitiyak umano ang Camarines Norte sa pagkalinga ng Diyos na sa pag- akyat aniya sa Langit ni Jesus ay hindi ito nang iwan.

Si Garcera ay sampung taong namuno sa lokal na simbahan ng Daet simula noong 2007 hanggang 2017.

Inabot rin ng dalawang taon bago nagkaroon uli ng Obispo ang Daet sa katauhan ni Alarcon na nito lang May 2 ay itinalaga naman  sa Caceres.

Sa ngayon ay patuloy na naghihiotay ng bagong Obispo ang Daet na itatalaga ng Santo Papa. Wala pa ring nahahalal na Diocesan Administrator na siyang pansamantalang mamumuno sa Diocese habang wala pang bagong Obispo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *