School opening sa Lunes, ituloy hanggat maaari ayon kay PBBM

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Education (DepEd) na gawin ang lahat upang matuloy ang pagbubukas ng klase sa July 29.

Sa ambush interview sa Pangulo sa San Mateo, Rizal – sinabi niyang hanggat maaari ay ituloy ang pagsisimula ng Sschool year 2024-2025 sa Lunes.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Lalo na anya sa mga eskwelahan na maayos naman ang kondisyon at hindi masyadong naapektuhan ng bagyo.

Habang ipinauubaya naman ng Pangulo sa mga eskwelahan na binagyo ang pag dedesisyon kung kakayanin o hindi na magbukas ng klase.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

At kung hindi talaga maaaring gamitin ang mga eskwelahan tulad ng mga nalubog sa baha at marami pang putik, pwede naman anyang mag klase sa ibang paraan tulad noong pandemic.