Bilang ng nasawi dahil sa epekto ng Bagyo at Habagat sa NCR, umakyat na sa 11 ayon sa NCRPO

Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Bagyo at Habagat sa National Capital Region.

Pagkalunod ang dahilan sa pagkasawi ng karamihan sa mga biktima.

Ayon kay NCRPO Spokesperson LtCol. Eunice Salas, bukod sa bilang ng mga nasawi, mayroon din 10 ang naiulat na nasugatan.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Samantala sa isinagawang search and rescue operations ng pulisya sa Metro Manila, nasa 22, 544 individuals ang nasagip ng mula sa malawakang pagbaha.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Mayroon din 1,088 PNP personnel at 27 Non-uniformed officers ang apektado ng bagyo.

Ayon kay Salas, nagbigay na ng direktiba si NCRPO Regional director MGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagbibigay ayuda sa mga naapektuhang pulis.