Pagbubukas ng klase sa Marikina at Valenzuela, inatras sa August 5

Iniurong na sa August 5, 2024 ang class opening sa Lungsod ng Valenzuela at Marikina para bigyan ng panahon ang mga nasalanta ng habagat at bagyong Carina na makapaghanda pa sa pasukan.

Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, ang desisyon ay dumaan sa masusing konsultasyon sa mga pangunahing stakeholder kabilang ang School Division Office ng Marikina at mga apektadong pamilya.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Dagdag pa ng alkalde, bukod sa maraming eskwelahan ang nagsilbing evacuation center, marami ring guro at estudyante ang naapektuhan.

Bukod sa Marikina at alinsunod na rin sa rekomendasyon ng DepEd Valenzuela, idineklara na rin na sa August 5 ang umpisa ng klase para sa mga pampublikong elementarya at high school sa lungsod.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Ito ay upang makatulong sa mga school administrator, teacher, at personnel na mas makapaghanda matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina.