Batangas City – Pormal nang inilunsad ng Police Regional Office o PRO-CALABARZON ang Joint Search and Rescue Team Challenge 2024.
Layunin ng naturang aktibidad na paghusayin pa ang kakayahan ng mga kapulisan pagdating sa emergency response sa buong rehiyon.
Ang nasabing innovative competition ay nagsimula noong Lunes na magtatagal ngayong araw kung saan dadaluhan ng animnapu’t anim na kalahok mula sa ibat-ibang probinsya kabilang ang mga tauhan mula sa sa Regional Mobile Force Battalion.
Isinusulong ng nasabing aktibidad na makapagsagawa ng makatotohanang sitwasyon sa kalamidad, kabilang ang Physical Fitness Challenge, Knot-Tying at Practical Application, First Aid and Situation Handling, Rubber Boat Operation at Water Rescue Exercises.
Naghatid naman ng mensahe at taos pusong pasasalamat ang Regional Director ng NAPOLCOM 4A, na si Atty. Owen G. De Luna sa PRO 4A at sa mga kalahok mula sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.