Scammer na nagsolicit ng pera para umano sa Pasalinggaya Festival, tiklo sa Ligao City

Iniharap sa media kahapon ng umaga ng Sorsogon City Police Station ang akusado na ginamit ang pangalan ng Provincial Government at nagsolicit ng pera sa mga negosyante sa lalawigan para umano sa Pasalinggaya Festival.

Kinilala ang akusado na si Joven Raymark Diaήo Bendal, 32-anyos, binata at naninirahan sa Zone 1, Brgy Tuburan, Ligao City.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Br 1 MTCC na may petsang Nob. 20, 2023 sa kasong estafa at may itinakdang piyansa na P16K.

Sa pahayag sa Brigada News ng Prov’l Administrator na si Eric Ravanilla, hindi naman umano malaking pera ang nakuha sa mga negosyante subalit umabot din daw ito ng libo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa impormasyon na ekslusibong nakuha ng Brigada News, si Bendal umano ay notorius na scammer na nag-ooperate sa buong rehiyon.