SB Basud pinag aaralan pa mga gagawing legal na hakbang matapos ibasura ng Sangguniang Panlalawigan ang ipinasang ordinansa na nagkakansela sa license to operate ng isang sabungan

CAMARINES NORTE- Pinag-i-isipan ngayon ng Sangguniang Bayan ng Basud ang mga legal na hakbang na maaaring gawin matapos na ibasura ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa ng una na nagkakansela sa license to operate ng isang sabungan.

“Laid on the table” sa ngayon ang usapin base na rin sa naging manifestation sa regular na sesyon nitong Lunes, November 14 ni Councilor Jose Mari Ayton, ang Chairman ng Committee on Games and Amusement.

Ito ay habang pinag aaralan pa kung anong legal na hakbang na maaari nilang gawin.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nabinbin ngayon ang usapin sa joint Committees on Good Government at Games and Amusement

Matatandaan na ibinasura nga ng SP ang Municipal Ordinance No 194- 2020 na ipinasa ng SB Basud na nagkakansela sa License to Operate ng San Felipe New Cockpit Arena sa Barangay San Felipe.

Ang naging desisyon ng SP ay dahil sa makailang beses na apela ni Rosito Panotes ang Franchisee ng San Felipe Cockpit Arena na hindi umano binigyan ng due process ng SB sa pagkansela ng license to operate ng naturang sabungan.

Matagal na nabinbin sa SP ang naturang isyu noon pang nakaraang komposisyon nito.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa katunayan ay lumagpas na rin ito sa panahon na ibinibigay ng Local Government Code sa pag rebyu ng mga ordinansa na ipinapasa ng mga Sangguniang Bayan.

Pero batay sa tatlong pahinang resolusyon ng SP, hindi agad ito nadesisyunan noon dahil nagkaroon muna ng serye ng konsultasyong ligal.

May hiwalay din itong usapin sa Office of the Ombudsman kaya hinintay na muna ang desisyon nito.