Pagbibigay ng 13th monthpay, ipinaalala ng Department Of Labor & Employment

Maagang ipinapaalala ng  Department of Labor and Employment ang pagbibigay ng 13 Monthpay sa mga pribadong kompanya.

Ayon kay Ms. Anna Dominique C. Magbanua, Labor and Employment Officer III ng – DOLE Palawan, ang 13th month pay ay katumbas ng (basic pay) na natatanggap ng isang empleyado.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Obligado ang mga establisimyento na bayaran ang kanilang mga karaniwang tauhan (Rank-and-file employees) ng 13th month pay, kahit ilan pa ang mga ito.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Idinagdag pa ni Magbanua na depende sa araw na ipinasok ng empleyado ang matatanggap nito.

Samantala, ibinabala ng DOLE na mahaharap sa parusa sa ilalim ng batas ang employer na hindi makapagbibigay ng 13 month pay sa kanilang manggagawa.