Local stakeholders sa Libon, Albay, sumailalim sa validation ng Albay Tourism Circuits

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Libon Municipal Tourism Office na sumailalim sa validation ang mga local stakeholders sa nasabing bayan.

Ayon lokal na pamahalaan nito, ang Greenscape at Albay Westcoast kabilang ang Flaming Water at Villa Miranda Farm and Resort ay dumalo para sa validation ng kanilang tourism site.

Ang validation na ito ay nilahukan ng DOT Accredited Travel Agencies, Tour Operators, Regional Tour Guides at Albay Tourism Officers.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pinangunahan ng Albay PTCAO ang pagva-validate upang ipakita ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan at ng DOT Bicol.

Ito ay makatutulong sa kanilang lumikha ng mga pakete para sa lalawigan at ibenta ang mga ito sa kanilang mga kliyente na kapwa domestic at foreign para sa napakahalagang bahagi ng Albay Tourism Development Plan.

Makakatulong ito sa mga lokal na mga tanggapam sa paglalakbay o tour operations sa paggawa ng kanilang sariling mga packages sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga opisina ng turismo ng Albay.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Layunin nitong mapataas ang local revenue at makikilala ang iba pang tourist attraction sa bayan.

Sa ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang turismo sa bayan dahil sa mga pagluwag ng mga patakaran kung kaya’t muli nang dinarayo ng mga turista ang kanilang paboritong pupuntahan.