Sariling gas station, target maipatayo sa taong 2023

Target ng Pamahalang Panlungsod ng Puerto Princesa na maipatayo na ang sariling gas station ng syudad sa susunod na taon.

Ayon kay Energy Chairman Councilor Elgin Robert Damasco, iniulat kamakailan ni Mayor Lucilo Bayron sa kanilang Executive- Legislative meeting na sa taong 2023 ay kasama sa priority list project ang pagpapatayo ng gas station.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Kasama raw sa plano na lagyan ng station sa government center o malapit sa City Hall at pangalawa sa Barangay Irawan.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Ang planong itayo ng gas station ay ang inaasahan na magsusuplay ng mas murang presyo ng produktong petrolyo sa mga taga-Puerto princesa kumpara sa ibang gasoline station.