Reklamo sa hindi binibigay na payslip, iparating sa DOLE- PD Ruga

Hinikayat ni TSSD Chief and Concurrent Provincial Director DOLE Palawan Philip D. Ruga ang mga manggagawa na magsumbong sa DOLE Palawan kung hindi binibigay ng employer ang payslip.

Ayon Ruga, karapatan ng employee na mabigyan nito kahit na regular o isang probationary pa lamang simula sa unang araw ng pagta-trabaho.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ipinagdiinan nito na obligasyon ng kompanya o employeer na ibigay ito upang mapatunayan kung ano ang mga benepisyo na ibinibigay sa mangagawa.

Sa oras na mag-reklamo ang empleyado ay maaaring inspeksyonin ang kompanya pero kapag hindi nakipagtulongan ang inirereklamo ay may kaakibat na parusa sa ilalim ng Labor code.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Maliban rito, karapatan din aniya ng empleyado na magkaroon ng rest day sa loob ng isang linggo kahit na walang ‘written contract’ sa pagitan ng employer at employee.