3 mangingisda, huli sa pagko- compressor sa Agutaya

Arestado ng awtoridad ang tatlong mangingisda kasama ang kapitan sa karagatan ng Oco Islet sa Barangay Diit, Agutaya Palawan bandang alas-dos ng umaga noong Sabado, July 16, 2022.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, ang mga mangingisda kasama ang may-ari at kapitan na si Ely Jominiz y Bartolay, 45 at sina Allen Marquez y Alocila,22 anyos , lineman and Chied Engineer, mula sa San Jose, Occidental, Mindoro at si Ronald Talamisan y Galacite, 33 anyos.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Base sa report, nagsasagawa ng Agutaya Police sa karagatan at naaktuhan nila ang isang bangka  na nangingisda gamit ang compressor.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Kinumpiska rin ng awtoridad ang bangka, Kingstone 12 horsepower engine , compressor at humigit kumulang 50 kilo ng isda.

Ang mga nahuling mangingisda at ebindesya ay dinala sa Municipal Agriculture Office of Agutaya habang sila ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 10654 o “Unauthorized Fishing”.