Sarah G., buntis?

Usap-usapan ngayon sa social media kung nagdadalang-tao ang singer na si Sarah Geronimo.

Ito ang karamihan ng mga naging reaksyon ng netizens matapos ianunsyo ni Matteo Guidicelli, na asawa ni Sarah, na plano niyang bumili ng family car.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Guidicelli ang litrato ng kaniyang sarili na may caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Natanong ng ilang netizens kung lumalaki na ba ang pamilya nila ni Sarah.

Walang naging reaksyon ang aktor sa mga katanungan ng mga netizens.

Gayunman, nagpayo pa rin ang ilan, na kung saka-sakali, ay dapat ma-installan na rin ng baby car seat ang bibilhin nilang sasakyan.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Noong nakaraang buwan, ay ibinahagi ni Guidicelli sa social media ang ilan sa mga birthday greetings nito para kay Geronimo, 33-anyos.

Mababasa sa caption ng kanilang litrato na magkasama, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman!”

Matatandaan na ikinasal sina Matteo at Sarah noong February 2020 matapos ang anim na taon nilang pagsasama.