Naniniwala ang kampo ni dating vice president Leni Robredo na malabong mangyari ang alyansa sa pagitan nila ni Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng naging pagbisita ni VP Sara kay Robredo sa kapistahan sa Naga City.
Sa isang programa, sinabi ng dating tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutiererez na imposible raw mangyari ang Leni-Sara tandem.
Aniya, magkalayo raw ang kanilang paniniwala’t mga prinsipyo.
Kung maaalala, ula na ring idiniin ni Robredo na walang halong pulitika ang naging pagbisita sa kaniya ni VP Sara.
Maliban kay Duterte, bumisita rin kay Robredo sina Interior Secretary Benhur Abalos, Senador Bong Revilla, at iba pang pulitiko.