Sapat na supply ng kuryente, pinasiguro ng SOCOTECO-1

KORONADAL CITY- PINASIGURO ng pamunuan ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO-1 na may sapat itong supply ng kuryente, hindi katulad sa ibang lugar na nagpapatupad na ng ilang oras na rotational brown-out.

Ayon kay SOCOTECO-1 Finance Manager Francis Ian Fedoc na na-forecast na ng mga ito ang supply ng kuryente sa susunod na lima hanggang sampung taon kung kaya’t wala umanong dapat ipangamba ang mga konsumedores.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ipinaliwanag ng opisyal na ang mga nangyayaring brown-out sa mga lugar na sakop ng SOCOTECO 1 ay hindi dahil sa kulang na supply, kundi dahil sa pagsayad ng linya ng kuryente lalo na kung umuulan o may malakas ng hangin, pagkatumba ng poste o pag-overload ng transformer at iba pa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ngunit ayon kay Fedoc na pinagsisikapan ng kooperatiba na maibsan ang brown-out at agad na marespondehan ang anumang problema sa linya ng kuryente.