Sanya: JakBie – buhay na buhay!

Pinagtatawanan lang ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang hindi matapos-tapos na isyu, tungkol sa kanyang kapatid na si Jak Roberto at kanyang girlfriend na si Barbie Forteza na hiwalay na umano ang dalawa.

”Hindi ito totoo, kasi masaya sila”. sabi ni Sanya.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Kung tutuusin, masaya raw si Sanya sa kung anong merong relasyon sina Jak at Barbie dahil nakikita niya kung papaano naggu-grow at nagsusuportahan sa isa’t isa ang dalawa.

Kung maaalala – ilang beses nang na-isyu ang relasyon nina Jak at Barbie.

Read More:  Claudine Barretto files cyber libel complaint against Cristy Fermin, Romel Chika

Naging matunog pa lalo ang isyu mula nangmagkaroon ng ka-loveteam si Barbie na si David Licauco.

Nagmula ito sa tambalan nila sa drama na ‘Maria Clara at Ibarra’ kung saan tinawag pa ang loveteam nila na ‘BarDa’. (Cha Armada – Brigada News Intern)