Liderato ng Kamara, pinulong ang NFA at rice industry stakeholders ngayong araw

Tiniyak ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM ang suporta sa hangaring mapababa ang presyo ng de kalidad na bigas sa merkado simula sa susunod na buwan.

Sa pakikipagpulong ni Speaker Martin Romualdez at ilang House leaders sa PRISM at Grain Retailers Confederation of the Philippines officials ngayong araw, iniulat na mararamdaman na ng consumers sa Hulyo ang target na 45 hanggang 46 pesos sa kada kilo ng bigas.

Sinabi ni Romualdez na maisasakatuparan ito dahil sa pagsisikap ng Department of Agriculture, National Food Authority at National Irrigation Administration sa atas ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nagpahayag din ng commitment ang PRISM basta’t masisigurong ang pagtapyas ng taripa sa rice imports sa 15 percent ay hindi maaabuso o masasamantala ng mga bansang nag-e-export.

Ang inaasahang presyo ng well-milled na bigas simula sa susunod na buwan ay 45 hanggang 46 pesos habang ang regular-milled ay 40 hanggang 43 pesos at ang premium rice sa 47 hanggang 50 pesos.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Binigyang-diin naman ng House Speaker na mananatiling “top priority” ng gobyerno ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng long-term support at subsidiya ngunit sa ngayon ay kailangan munang siguruhin ang kapakanan ng mga mamimili na naghahanap ng abot-kaya at de kalidad na bigas.

Dagdag pa ni Romualdez, hindi pa rito nagtatapos ang mga inisyatiba ng pamahalaan at lalo pang pagsisikapan na ibaba ang presyo ng quality rice sa merkado.