Inilabas na ng Forbes Magazine ang listahan nito ng mga pinakamayayamang indibidwal o pamilya sa Pilipinas.
Sa ulat – aabot $72Billion ang combined wealth ng mga nasa listahan – mas mababa ito ng $7Billion noong nakaraang taon.
Nangunguna pa rin sa listahan ang mga tagapagmana ni Henry Sy Sr. na magkakapatid na Sy.
Naitala ang net worth nila sa $12.6Billion – mas mababa ng $4Billion sa huling report.
Ikalawa naman ang property billionaire na si dating senador Manny Villar na mayroong $7.8Billion net worth.
Naitala rina ng kanyang VistaREIT (real estate investment trust) na mayroong pinaka-mataas na dollor gainer ngayong taon.
Ikatlo ang ports tycoon na si Enrique Razon na mayroong net worth na $5.6Billion.
Suimunod ang Lance Gokongwei and siblings sa $3.1Billion net worth mula sa $4Billion noong nakaraang taon.
Bumalik din ang Aboitiz family na mayroong collective networth na $2.9Billion.
Ang Isidro Consunji and siblings naman ng engineering conglomerate na DMCI Holdings ay mayroong $2.65Billion networth.
Ang Jollibee Founder na si Tony Tan Caktiong at ang pamilya nito ay nasa 7th spot na mayroong P2.6Billion net worth.
Ika-walo ang San Miguel Corporation CEO na si Ramon Ang sa $2.45B; habang ika-sampu naman ang real estate tycoon, Megaworld Corporation Founder Andrew Tan sa $2.4Billion net worth.
#