‘Huwag niyong niloloko ading ko!’ – Imee sa isyu ng sugar importation

‘Huwag niyong niloloko ang ading ko’

Ito ang naging pahayag ni Senadora Imee Marcos hinggil sa ‘unauthorized’ resolution hinggil sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Pinuri ni Marcos ang naging hakbang ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na i-reject ang planong importation nito at hinikayat ang gobyerno na balasahin ang pinakamatataas na opisyales ng Department of Agriculture.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Kinundena ng Senadora ang umano’y ‘fraudulent’ use ng Office of the President para ma-justify ang importasyon – patunay daw na naghahari ang mga ‘thick-faced’ agricultural smugglers sa DA.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Nanawagan din ito na kaagad imbestigahan si Agriculture Usec. Leocadio Sebastian at iba pang mga opisyal na sangkot dito, pati na rin ang mga nasa likod ng pagre-reverse ng import ban sa mga swine-based products mula sa mga bansang apektado ng African swine fever o ASF.
#