Sampung mangingisda, huli sa pagko-compressor sa karagatan ng Cuyo, Palawan

Arestado ng awtoridad ang sampung ka-tao dahil umano sa pagco-compressor sa karagatan ng Cuyo, Palawan nitong Martes, May 23.

Ang mga hinuli sa Brgy. Manamoc, Cuyo ay sina Dionisio Panes y Matutina, 55 anyos (Boat captain), Rommel Eslaoan y Alogen, 27 anyos (Chief Engineer) si John Michael Dizon y Del Rosario, 26 anyos at pitong iba pang crew ng bangka na mga residente ng Brgy. Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, nahuli sa aktong nagsasagawa ng pangingisda ang mga nahuli gamit ang compressor bilang breathing apparatus na mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2000-301.

Kinumpiska sa kanila ang dalawang unit compressor, mga hose, foot paddles at apat na spear gun.

Samantala, ang mga ebidensya , bangka (F/B FROANALEX) at mga sakay ay dinala sa Cuyo PNP para sa karampatang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *