2 bangkay natagpuan sa Sagñay, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Nakabalot ng kumot ang katawan ng dalawang bangkay sa Patitinan, Sagñay, Camarines Sur nang matagpuan sa may tabi ng bangin sa Sitio Rawis nitong Lunes Hunyo 24, 2024.

Ang isa ay nababalot ng may imprinta ng isang kilalang cartoon character habang ang isa ay kahel at dilaw na bulaklak. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ. Michael Albania, Chief of Police ng naturang bayan, sinabi nitong walang palatandaan ng pagkakakilanlan ng dalawa. Tinatayang 35-50 ang edad, ang isa ay medium at ang isa ay may kalakihan. May tama sa ulo at bugbog sa iba’t ibang parte ng katawan, parehong walang suot na damit ang mga biktima.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulisya ukol sa naturang insidente at hinihintay pa ang opisyal na resulta ng autopsy sa mga bangkay upang matukoy ang pagkamatay.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, siniguro naman ng opisyal na safe pa rin at walang dapat ikabahala ang publiko sa lugar, ipagbigay alam lang sa mga awtoridad kung may napapansin na kahinahinalang tao upang agad na maaksyonan.