Salpukan ng motrosiklo at bus, rider patay

Binawian ng buhay ang isang rider matapos ito sumalpok sa bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy Salvacion, Irosin, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si Carlo Luzong Aguirre may asawa at naninirahan sa Brgy JP Laurel Pon-od, Bulan, Sorsogon habang ang driver ng Eagle Star PUB ay kinilalang si Carlo Layon Asoque, 35-anyos, may asawa at residente ng Brgy Masarayao, Kananga, Leyte.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nasa magkasalungat na direksyon ang dalawang sasakyan kung saan tinatahak ng bus ang direksyon patungong Sorsogon City mula sa Matnog Port habang ang motorsiklo ay patungong Brgy Salvacion.

Nang makarating sa lugar, bigla umanong nag-swerved ang motorsiklo at na-ecroached at nag-overlap sa rightful lane na inookupahan ng bus.

Bunga nito ay nagkabanggaan ang dalawang sasakyan na nagresulta sa pagkasawi ng rider dahil sa malakas na impact.

Naisugod naman sa Irosin District Hospital ang biktima subalit idineklara ito ng sumuring doctor na ‘dead on arrival.’

Nasa kustudiya na ngayon ng Irosin MPS ang driver ng bus para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *