Sakripisyo ng guro sa pandemya at sa transition period kinikilala ngayong National Heroes Day sa Iriga City

NAGA CITY- Sakripisyo sa pandemya at todo adjust naman nitong transition period matapos ang COVID-19 pandemic.

Buhay na bayaning maituturing rin ang mga guro , ito ay ayon kay Iriga City Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 28, 2023.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya hindi naging madali para sa mga guro ang hamon na hindi maputol ang pagkatuto , maraming mga interventions upang makabawi sa learning losses.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa Republic Act No. 9492 noong 2007, idideklara ang huling Lunes o Biyernes ng Agosto bilang National Heroes Day  bilang pagpupugay sa lahat ng mga bayani napangalanan man sa mga nailimbag na aklat o hindi.