Ikinatuwa ng biyuda ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at ng pamilya nito ang patong-patong na kaso laban kay dating Negros Oriental Third District Rep. Arnolfo Teves Jr. na umano’y mastermind sa pagpatay sa kanyang asawa.

Ito’y kasunod sa kumpirmasyon ng Department of Justice (DOJ) na sinampahan na ng kasong murder si Teves at apat na iba pa; kasabay ng kasong frustrated murder at attempted murder sa pagpatay sa Gobernador.
Ayon kay Pamplona Mayor Janice Degamo, masaya ang pamilya nila dahil ‘finally’ malapit na nilang makuha ang inaasam-asam na hustisya.
Aniya, isa itong malaking habang sa justice system ng Pilipinas.
Kung maaalala nitong Marso, pinagbabaril hanggang mamatay si Degamo sa mismong bahay nito.