SAF, idineploy na sa election hotspots

Idineploy na ng Philipine National Police ang mga tropa ng Special Action Force o PNP-SAF sa ilang mga lugar na itinuturing na hotspots sa darating na halalan ngayong Mayo.

Partikular na rito ang mga bayan ng Tubaran at Malaban sa Lanao del Sur – mga lugar na tanging idineklara bilang ‘under Comelec Control’.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Directorate for Operations Dir. Maj. Gen. Val de Leon na bahagi ito ng kanilang preventive measures.

Aniya, sa mga nabatid na lugar ay may presensya ng ilang mga grupo na maaaring mag-transform bilang mga pribadong armadong grupo ng mga local candidates.

Sa kabuoan, mayroong 114 na mga lugar na ikinukunsidera bilang mga ‘red areas’.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa ilalim ng classification na ito, pagtutuunan ng pansin ng mga security forces ang posibilidad ng karahasan, presensya ng mga armadong grupo, at ang posibleng girian sa pagitan ng mga political rivalries.

Dahil dito, mas paiigtingin pa ang mga checkpoints na nakalatag sa mga entry at exit points, gayundin ang pagpapataas ng police visibility sa mga areas of concern.

AFP, all-set na sa May 9 elections

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines ang kahandaan nito sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP chief-of-staff Gen. Andres Centino na mas pinaigting pa ang seguridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular na sa mga lugar na posibleng pagumpisahan ng tensyon o ‘di kaya ay may mga manggugulong mga grupo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Aniya, pina-alerto na nila ang mga tropa ng AFP at inatasan na ang mga ito na maging vigilant para sa mga banta na magmumula sa mga grupo o supporters.

Pagtitiyak ni Centino, makasisisguro ang publiko na makaboboto sila nang payapa at walang takot.

Doble kayod na rin umano ang kanilang task force na kinabibilangan ng AFP, Philippine National Police, at Coast Guard para masigurong ligtas hindi lamang ang mga botante, kundi gayundin ang mga logistics at iba pang campaign paraphernalia mula sa pagdedeliver nito sa mga presinto hanggang sa mismong bilangan ng mga boto.

#