VP Duterte, pinasalamatan ang Senado sa pag-apruba ng P2.36 bilyong budget

Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang Senate Panel matapos aprubahan ang isinusulong na ₱2.36 billion budget ng Office of the Vice President (OVP), kabilang na ang kotrobersyal na P500 milyong confidential funds.

Sa inilabas na pahayag ng bise presidente, nagpasalamat ito sa pamumuno ng Senate Committe on Finance at ang mga myembre nito sa pagsuporta sa panukalang budget ng OVP.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa pamamagitan nito, sinabi ni VP Duterte na magbibigay daan ang budget sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad ng kanilang tanggapan na ididisensyo upang magbigay ng agarang kaluwagan at pangmatagalang solusyon sa mga hamon tulad ng kahirapan, kabuhayan, pangunahing serbisyo, at edukasyon para sa mga Pilipino.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kahit na may nangyari panggigisa mula sa mga opposisyong senador kay na Sen. Risa Hontiveros at Sen. Koko Pimentel, inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang budget sa pangunguna nila Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada bilang traditional courtesy sa OVP.