Sa kabila ng presensya ng China – AFP – nakapagsagawa ng resupply missions

Iniulat ng Philippine Navy na aabot pa rin sa 28 ang mga naging matagumpay na roration and re-supply mission o RoRe sa West Philippine Sea nitong nagdaang taon.

Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na harassment ng China, pati na rin ang presensya ng kanilang mga barko sa naturang teritoryo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa naturang bilang – 14 ang mga naganap sa Ayungin Shoal kung saan – nang-harass ang China.

Kung maaalala – una nang sinabi ng Phiippine Navy na walang iligal na ginawa ang China matapos ang matagumpay na latest rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Anila, bagamat may namonitor silang preseniya ng Chinese Coast Guard at Chinese Militia ay wala naman daw itong illegal action na ginawa sa ating mga barko.