Kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development Asec. Romel Lopez na maging sa mga evacuation centers sa Davao, mataas na rin ang tubig-baha.
Ito ay bunsod pa rin ng ilang araw nang malawakang-pagbaha na nakaapekto na ng higit-kumulang 1.2 milyong mga indibidwal.
Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Lopez, sinabi nitong isang concern ng ahensya na maging ang mga tradisyonal na evacuation centers ay nakararanas na ng pagtaas ng tubig.
Dahil dito, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, ginagawan na raw nila ito ng paraan at naghahanap sila ng mas maayos na evacuation centers.
Sa ngayon, tinitiyak raw muna ng DSWD na maabot ang mga residente na apektado ng baha.