Ry De La Rosa – NCAA player of the Week

Nagbabalik mula sa injury, agad-agad na pinamunuan ni team captain Ry Dela Rosa ang Jose Rizal University na masungkit ang ikatlong puwesto ng NCAA Season 99.

Ipinakita ni De La Rosa ang kanyang taglay na galing nang lumikom ng 10.67 points at 2.0 rebounds sa huling dalawang laro laban sa San Sebastian College-Recoletos at Arellano University.

Binuhat nito ang JRU nang nagpakawala ng anim na three-pointers laban sa Stags patungo sa 79-74 na panalo.

Bunsod nito, si De La Rosa ang tinanghal na Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Ayon sa JRU team captain, nagpapasalamat siya sa teammates at sa kanyang coach dahil hindi nito pine-pressure na bumalik maglaro.

Ang pagbabalik ni De La Rosa ay malaking tulong sa kampanya ng JRU na makatungtong muli sa Final Four sa unang pagkakataon mula noong 2017.