Russia’s Sputnik V shot 83% epektibo laban sa Delta variant , ayon sa health minister

Sputnik V shot, 83 percent na epektibo laban sa Delta variant ayon sa health minister

83 percent umanong epektibo ang Sputnik V COVID-19 vaccine laban sa Delta variant, mas mababa kaysa sa kanilang inaasahan. 

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ito ang sinabi ng Health minister  ng Russia na si Mikhail Murashko.

Mababatid na sinabi ng developers ng vaccine noong June na nasa 90 percent na epektibo ang vaccine laban sa Delta variant.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa isa namang panayam, sinabi ni Alexander Gintsburg, director ng Gamaleya Institute na gumawa ng Sputnik V vaccine na ligtas ang bakuna at epektibo ito laban sa lahat ng strains ng coronavirus.