Nakatanggap ang Pilipinas ng 100,000 doses ng Sinopharm Covid-19 vaccine mula sa United Arab Emirates.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasabing gamot, pasado alas dos ng hapon.
Sinalubong nila National Task Force against COVID-19 (NTF) Assistant Secretary Wilben Mayor, UAE Embassy Acting Charge Affaires Khalid Alhajeri, and Bureau of International Health Cooperation Director IV Ma. Soledad Antonio ang mga dumating na bakuna.
Sinabi ni Mayor na ipapadala ang mga bakunang ito sa mga lugar na mayroong pagsipa ng COVID-19 cases.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Sinopharm vaccine ay may efficacy rate laban sa COVID-19 na 79% habang ang bisa laban sa hospitalization ay nasa 79% din.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na plano pang mag-donate ng UAE ng 500,000 doses ng Sinopharm, na binibigyan ng emergency use authorization nito lamang Hunyo.
Mababatid na Sinabi rin ng Food and Drug Administration (FDA), na target din ang Pilipinas na bumili ng mas marami pang supply ng Sinopharm vaccine.