Russian troops, pinasabog ang gas pipeline sa Kharkiv ayon sa Ukraine

Pinasabog ng Russian troops ang natural gas pipeline sa lungsod ng Kharkiv sa Ukraine.

Inihayag ito ng state service of special communications and information protection ng Ukraine nitong Linggo.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Sa isang video na naipasa sa pamamagitan ng Telegram messaging app, ay makikita ang isang pagsabog na may hugis mushroom.

Hindi naman malinaw ang kahalagaan ng naturang pipeline para sa Ukraine at kung magdudulot pa ito ng disruptions sa gas shipments sa labas ng lungsod o bansa.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Sa kabila kasi ng giyera, ay nagpapatuloy ang pag-ship ng Ukraine ng natural gas sa Europa.