Russian soldier inakusahan ng panggagahasa ng isang babaeng Ukrainian

Ibinunyag ng isang Ukrainian na ginang na ginahasa siya ng isang Russian soldier habang binaril at napatay ang kanyang asawa sa western part ng Kyiv.

Ayon sa biktimang sinadyang itago ang kanyang pagkakakilanlan, nasa bahay lamang siya kasama ang asawa nang biglang sumulpot ang mga sundalong Russian kung saan pinaghiwalay sila at dinala siya sa kalapit na bahay.

Doon na aniya siya tinutukan ng baril habang ginagahasa.

Natigil aniya ang ginagawa nito nang dumating ang mga kasamahan nitong sundalo kaya siya nakatakbo pabalik sa kanilang bahay kung saan na niya nadatnan ang kanyang asawa na may tama ng bala sa tiyan.

Dahil hindi sila makapunta sa ospital, namatay ang kanyang asawa, dalawang araw pagkatapos ng insidente.

Inihayag din ng biktima na dahil sa sitwasyon, inilibing na lamang nila ang mga labi ng asawa sa kanilang bakuran.

Samantala, kinumpirma din ng biktima na naiwan ng mga sundalo ang drugs at Viagra kung saan aniya karamihan sa mga ito ay lasing, rapist, killers at mga magnanakaw habang ang iilan lamang ang mabuti