Kinumpirma ng Russian energy giant na Gazprom na magbabawas sila uli ng gas supplies sa European Union sa pamamagitan ng kanilang main pipeline dahil sa maintenance work.
Ayon sa Gazprom, ang pagtigil ng isa pang turbine sa Nord Stream 1 pipeline ay mangangahulugan nang paghinto ng gas production ng aabot sa 20%.
Kaugnay nito, sinabi ng German government na wala naman talagang technical reason para limitahan ang gas supply.
Kumbinsido ang German government na layon nitong gawing mahirap para sa EU countries na ma-replenish ang kanilang mga stores ng gas bago ang winter.
Unang inakusahan ng EU ang Russia ng paggamit ng gas supply bilang kanilang armas laban sa mga bansang hindi kumakampi sa kanila Matatandaan na ang Russia ang nagsuplay sa EU ng 40% ng gas noong nakaraang taon. (LNM)