Liga ng mga Barangay President sa Irosin, Sorsogon arestado sa drug buy bust ops

SORSOGON CITY—Arestado ang Liga ng mga Barangay President ng Irosin, Sorsogon matapos itong magpositibo sa drug buy bust operation ng PNP at PDEA.

Sa report ng PNP, nadakip sa Barangay Dapdap sa bayan ng Bulusan si ABC President Frederick Jao Cielo alyas “Aljo Cielo”, 49 anyos, residente at Punong Barangay ng Barangay Bacolod sa bayan ng Irosin.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

Ang target ay kumagat umano sa pain ng poseur buyer sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEU, PSOU, PIU, Bulusan Municipal Police Station, 1st PMC, Sorsogon PPO at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Narekober dito ang tatlong heatsealed transparent plastic sachet laman ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 27 gramo at may DDB value na P183,600.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Nakuha rin ang genuine P1000 bill na kasama ng ginamit na boodle money.

Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek at ang mga narekober na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.#

Photo: PDEA Sorsogon