Vergeire welcome ang mga programang inilatag sa SONA ni PBBM para sa health sector

Ikinatuwa ni Department Of Health officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire ang naging laman ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Vergeire welcome sa DOH ang mga inilatag na programa at plano ng Pangulo para sa sektor ng kalusugan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kabilang na dito ayon sa opisyal ay ang programang may kinalaman sa pagpapalakas ng vaccination drive ng pamahalaan.

Bukas din si Vergeire sa plano ng Pangulo na makapagtatag ng Center for Disease Control at Virology Institute of the Philippines.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Bagama’t hindi nabanggit ang Universal Health Care, nasabi naman umano ni Marcos ang importanteng components nito kabilang ang healthcare workers.

Welcome din kay Vergeire ang kagustuhan ng Presidente na pagpapatayo ng specialty hospitals sa buong bansa.