Russian DJ na sangkot sa kaguluhan sa Palawan, inaresto ng Immigration

Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang Russian DJ na si Andrie Umanskii, 36-anyos sa isang Club sa Pasay City dahil sa overstaying sa bansa.

Si Umanskii at una na rin nasangkot sa kaguluhan sa El Nido, Palawan noong 2020 matapos manlaban sa mga awtoridad matapos siyang maglasing at magmaoy.

Noong 2023 naman ay nasangkot din siya sa pambubogbog sa isang traysikel driver sa Puerto Princesa City.

Ayon sa Bureau of Immigration hindi katanggap-tanggap sa kanila ang pangit at abusadong pag-uugali ng mga dayuhan sa bansa.

Samantala, pansamantalang ikukulong si Umanskii sa pasilidad ng immigration bago ito palayasin sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *